Kinumpirma ng Philippine National Police-Crime Laboratory Group (PNP-CLG) na sa Canadian na si Robert Hall nga ang pugot na ulo na narekober kamakailan sa Jolo, Sulu.

Sinabi ni Chief Supt. Emmanuel Aramas, director ng PNP-CLG, na natukoy nilang ulo nga iyon ni Hall, na isa sa apat na dinukot sa Samal Island at pinugutan ng Abu Sayyaf Group (ASG) noong Hunyo 13 makaraang mabigong magbigay ng P600 milyon na ransom.

Ayon kay Aranas, natukoy nila na kay Hall nga ang pugot na ulo sa pamamagitan ng DNA examination na itinugma sa kaanak ng biktima na pinagbasehan ng pagsusuri.

Sinabi ni Aranas na nagpadala ang embahada ng Canada ng DNA result na pinagbasehan ng mga isinagawang pagkuha ng laway at ilang laman sa bahagi ng kaliwang tainga ni Hall.

National

‘Pinas, hindi babalik sa ICC – Malacañang

Hanggang sa kasalukuyan ay hawak pa rin ng Abu Sayyaf ang dalawang bihag na kinabibilangan din ng isang Pinay.

(Fer Taboy)