BAUAN, Batangas - Nagulantang ang dalawang babae makaraang mabuksan ang kahon na natagpuan nila sa labas ng isang sari-sari store at tumambad sa kanila ang bangkay ng isang sanggol na lalaki, sa Bauan, Batangas.

Ayon sa report ni PO2 Denver Claveria, dakong 7:15 ng umaga nitong Lunes nang matagpuan nina Michelle Evangelista at Rowena Arevalo ang kahon na nakatali ng straw at iniwan sa upuan ng isang waiting shed sa Barangay Manghinao 1.

Magbubukas sana ng kanyang tindahan si Evangelista nang mapansin ang kahon.

Tinatayang isang araw pa lamang naisisilang ang sanggol, na may foot tag at kumot ng Batangas Regional Hospital sa Batangas City.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inilibing ang sanggol sa Immaculate Concepcion Memorial Park sa San Pascual, Batangas. (Lyka Manalo)