Magandang balita para sa mga motorista.
Asahan ang oil price rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.
Ayon sa taya ng oil industry source, posibleng tapyasan ng 50-65 sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina at diesel.
Ang nagbabadyang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.
Hunyo 14 nang nagtaas ang mga kumpanya ng langis ng 35 sentimos sa presyo ng diesel at 20 sentimos sa kerosene, habang 10 sentimos naman ang tinapyas sa presyo ng gasolina.
Sa datos ng Department of Energy (DoE), ang presyo ng diesel ay mabibili sa P25.05 hanggang P28.65 kada litro, habang P36.50 hanggang P44.10 naman ang gasolina sa Metro Manila. - Bella Gamotea