SOBRANG papansin daw si Rufa Mae Quinto. Ito ang obserbasyon ng halos kaedad niyang sexy actress na kanyang nakasama.

Ayon sa aktres na ayaw magpabanggit ng pangalan, sobrang KSP raw si Rufa Mae. Inakala naming kaibigan ni Rufa Mae ang aktres pero hindi nito type na sobrang ibinabalandra raw ng una sa social media ang nakatakdang pagpapakasal.

“Hayan, instead na matuwa sa mga ipino-post niya, kung anu-anong panglalait tuloy ang natatanggap niya. Ultimo kasing pati ‘yung isusuot niyang wedding ring, eh, ginagawa pa niyang pahulaan sa netizens,” himutok pa ng aktres.

Totoo rin namang hindi na rin natutuwa ang netizens sa ginagawa ni Rufa Mae, kaya puro pangba-bash ang inaabot niya.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Naku, hindi na siya mga kagaya nina Liza Soberano, Kathryn Bernardo, Nadine Samonte at iba pang mga sikat na young stars,” sey pa ng aktres.

Dagdag pa ng kausap namin, ang importante raw ngayon sa kalagayan ni Rufa ay kung gaano siya kamahal ng papakasalan niyang boyfriend at hindi ‘yung gaano kaganda ang wedding gown at wedding ring na isusuot niya.

“Aanhin niya ‘yung sobrang mahal na wedding gown kung hindi naman siya nakakasigurado na magtatagal ang relasyon nila ng mapapangasawa niya?” sey pa ng kausap namin. (JIMI ESCALA)