SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Tatlong hinihinalang drug dealer, na umano’y nasa aktong magde-deliver ng shabu, ang nasawi makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng anti-illegal drugs team sa checkpoint at dragnet operation sa Barangay Palestina sa lungsod na ito, nitong Biyernes.

Sa ulat kay Supt. Reynaldo Dela Cruz, hepe ng San Jose City Police, kay Senior Supt. Manuel Estareja Cornel, Nueva Ecija Police Provincial Office director, nakilala ang mga nasawi na sina Salman Macapundang, taga-Parañaque City; Ariel Samonte, ng Quezon City; at isang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan.

Nasamsam mula sa mga suspek ang may 200 gramo ng shabu, na umano’y ide-deliver sa lungsod; at tatlong maiiksing baril. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog