Hinimok ni Pangulong Benigno Aquino III ang kabataan na patuloy na maging “man for others,” kasabay ng pagpapahayag ng pag-asa na ipagpapatuloy ng kabataan ang paghubog sa kinabukasan ng bansa sa pagbaba niya sa puwesto dalawang linggo mula ngayon.
Nagdaos ang Pangulo ng photo opportunity kasama ang mga nagtapos sa Department of Public Works and Highways (DPWH) Cadet Engineering Program noong Huwebes sa Malacañang.
Sa nasabing okasyon, pinuri ni Aquino ang mga nagtapos sa DPWH program sa pagpiling manilbihan sa bansa kanilang kabataan.
“It’s really heartwarming to see the youth really taking an active role in building this country and putting their talents to the use of our countrymen,” sabi ni Aquino.
“Throughout the country, especially in the youth, are really shaping the future to something better than what we all found when we started,” aniya.
Nanawagan ang Pangulo sa kabataan na manatiling nakapokus sa pagtulong sa iba anuman man ang hamong kinakaharap nila sa buhay.
“I’d like to encourage you, life will have ups and downs. Importante huwag tayong mawalan ng focus, bakit ba natin ginagawa ‘yung ginagawa natin?,” sabi ni Aquino.
“Sa ginagawa niyo, isinasabuhay na niyo ‘yon e. Sana hindi mawala ‘yung vision na ‘yon na meron talagang
pinatutunguhan ‘yung pinupuntahan niyo at talagang kung hindi mang agarang matikman ‘yung gantimpala sa tamang ginagawa niyo, ginagarantiya ko sa inyo, darating ang panahon na talagang madadama niyo nang buong-buo,” aniya.
“There will always be wants, there will be needs, there will be frustrations, there will be successes, but do not lose sight of the vision that got you here to begin with. Do not lose sight of that mission,” dagdag niya.
Nanawagan din ang outgoing President sa kabataan na tiyaking buhay demokrasya ng bansa. (Madel Sabater-Namit)