SUSUBUKAN ni Darren Espanto na maging Trivia Prince bukas, Linggo (Hunyo 19) sa Father’s Day special ng Matanglawin.

Gagayahin ni Darren ang ilang ginagawa ng Triva King na si Kuya Kim Atienza sa kanyang paglilibot sa Science Exploreum.

Samantala, kailan nga ba siyensiya ang mahika, at kailan mahika ang siyensiya? Aalamin lahat iyan ni Kuya Kim sa kanyang pagpapakita ng magic tricks na dulot ng siyensiya.

Magpapakitang-gilas din ang alagang alligator snapping turtle ni Kuya Kim bilang opening act sa kuwelang tic tac toe game ng We Love OPM celebri-teams.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Huwag palalampasin ang Matanglawin ngayong Linggo (Hunyo 19), 10:30 ng umaga sa ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).