Hindi pakakawalan ng Rain or Shine ang mga premyadong player na mapapaso na ang kontrata sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Ayon sa pamunuan ng Elasto Painters, lahat ng 10 player na mayroong expiring contracts ay walang dudang mananatili sa koponan sa ibibigay nilang bagong kontrata.

Kabilang sa mga manlalarong expired na ang kontrata ay sina Commissioner’s Cup Finals MVP Paul Lee, ang ‘Extra Rice’ duo nina Beau Belga, JR Quiñahan at Raymund Almazan, Jericho Cruz, Jireh Ibañez,Ronnie Matias Jeric Teng, Jewel Ponferrada, at Gilas Pilipinas player Gabe Norwood.

Kung magkakasundo sa kanilang magiging negosasyon, muling iri- renew ang kontrata ng mga nasabing player.

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!

Bukas din umano ang ROS sa trade, ngunit sisikapin nilang makakuha ng tamang player na makakapalit at magiging angkop sa sistema ni coach Yeng Guiao, ayon kay board representative Mamerto Mondragon.

Gayunman, sa lahat ng mga nabanggit na manlalaro, nakatitiyak nang hindi pakakawalan ng Rain or Shine si Lee na nagsisilbing lider ng koponan.

Sa nabanggit na 10 manlalaro, si Lee ang tanging tumatanggap ng maximum salary. (Marivic Awitan)