Karagdagang anim na milyong katao ang matagumpay na nasertipikahan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang mga world-class skilled worker sa nakalipas na anim na taon.

“From 2010 to May 2016, a total of 6,002,843 individuals had been certified...With an average of 88.3% certification rate over six years, it shows that 9 out of 10 assessed have been successfully certified,” saad sa pahayag ni TESDA Director General Irene Isaac.

Sinabi ni Isaac na ito ay dahil sa pinaigting at malawakang pagsusulong ng TESDA sa assessment at certification programs nito na layuning baguhin ang pag-unawa ng publiko tungkol sa mga nagtapos ng technical vocational education and training (TVET).

“TESDA was able to prove that tech-voc can be the first option, not just the fallback choice, because graduates are trained with the relevant skills that link them to jobs here and abroad,” ani Isaac.

National

3 suspek sa pagkidnap at pagpaslang kay Anson Que, driver nasakote na!

Batay sa huling datos noong nakaraang buwan, mahigit 10 milyon na ang nagtapos ng technical vocational education at training mula sa institution-based training program, enterprise-based training program, community-based training program, at online program ng TESDA. (Samuel P. Medenilla)