WELLINGTON, New Zealand (AP) — Pumayag ang gobyerno ng New Zealand noong Miyerkules na magbayad ng napakalaking halaga sa isang 41-anyos na lalaki na gumugol ng mahigit 20 taon sa kulungan sa rape at murder ng isang 16-anyos na babae, na hindi naman niya ginawa.

Sinabi ng gobyerno na babayaran si Teina Pora ng 2.5 million New Zealand dollars ($1.8 million) at maglalabas din ng formal apology sa kanya. Ito ang pinakamalaking kompensasyon na babayaran ng bansa dahil sa wrongful conviction.

Sa ulat na kinomisyon ng goberno, sinabi ni dating Judge Rodney Hansen na nahikayat si Pora na umamin sa kasalanang hindi niya ginawa dahil sa posibleng pabuya at dahil wala ito sa tamang katinuan noon epekto ng sakit na fetal alcohol syndrome.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa