Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na umabot na sa halos 1,000 asylum request mula sa ilang foreigners, ang nakabinbin sa kanilang opisina.
Halos 1,000 'afam,' hopya na makakuha ng asylum sa Pinas!—DOJ
Photo courtesy: Unsplash
Halos 1,000 'afam,' hopya na makakuha ng asylum sa Pinas!—DOJ
Ayon sa DOJ, pawang mula sa Africa at Middle East ang mga dayuhang nagnanais na makakuha ng asylum mula sa gobyerno ng Pilipinas.
Sa panayam ng media kay Chief State Counsel Dennis Chan noong Huwebes, Hunyo 4, 2026, iginiit niyang tinatayang nasa 1,000 na rin ang refugees na nasa Pilipinas matapos nilang aprubahan ang mga naka-pending na asylum requests sa mga nagdaang taon. Bukod pa rito ang panibagong 1,000 asylum seekers na nakabinbin sa kanila.
Ayon kay Chan, karaniwang rason umano ng asylum seekers ay dahil sa kaguluhan sa usapin ng relihiyon, political political opinion at gender equality—na pawang hindi makamit ng mga dayuhan mula sa kanilang mga bansa.
Matatandaang nananatiling bukas ang Pilipinas para sa lahat ng asylum seekers magmula ng magbukas ito noong 1921 para sa tinatayang 250 Russians at nasundan naman 6,000 pang mga dayuhan noong 1949.
Noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Manuel Quezon noong 1930, umabot naman sa 1,200 Europeans Jews ang kinupkop ng bansa mula sa mga Nazi.