Isusulong ng isang babaeng mambabatas ang pagpapatibay sa “Batanes Responsible Tourism Act” sa 17th Congress upang ituring ang lalawigan bilang isang “responsible, community-based cultural heritage and ecotourism” site.

Sinabi ng re-elected na si Batanes Rep. Henedina Abad na sa pamamagitan ng kanyang panukala ay matitiyak ang pangangalaga sa biodiversity at mapoprotektahan ang pambihirang pamana at kultura ng Batanes.

“The measure will develop tourism products and programs that will generate employment and livelihood for the local residents,” ani Abad.

Titiyakin din ng panukala ang mga benepisyong pang-pinansiyal at pang-ekonomiya ng industriya ng turismo para sa mga Ivatan at iba pang lokal na residente. (Bert de Guzman)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar