“DIGITAL talaga ang karma,” sabi sa amin ng TV personality na ginawan pala ng hindi maganda ng isang TV executive na ngayon ay namimiligro ang career.

Namamayagpag ang career ng TV personality at magaganda ang feedback sa halos lahat ng projects niya at mataas ang ratings, pero nu’ng balasahin ang mga taong nakapuwesto sa bawat department nang magbago ang namumuno sa TV network, naapektuhan ang karera ng bida sa blind item na ito.

“Nu’ng siya (TV executive) ang pumasok, ang dami niyang ‘pinabago, ang dami niyang ayaw kasi ipinasok niya lahat ng gusto niya, maraming nagalit kaya umalis na lang at nagpalipat sa ibang department.

“Naiwan ‘yung mga sipsip sa kanya (TV executive) pero sa katagalan, umalis na rin kasi iba ang ugali niya. 

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

“‘Yung isang mabait na boss din, tinanggalan niya ng karapatan at kesyo hindi raw magaling. Siyempre bumilib sa kanya ang lahat nu’ng una dahil magaling nga raw, pero sa katagalan, walang nangyari.

“Pati ako na maayos ang trabaho ko sa network, may mga sponsors ako at kumikita mga programa ko, ‘pinatanggal, wala raw kuwenta.

“Eh, maraming pumalpak sa mga ginawa niya, hayun, nagalit sa kanya ang management. Heto nakiki-chummy na at ‘yung bossing na tinanggalan niya ng karapatan at mabait, dito siya ngayon nagsasabi ng problema niya, nakakatawa, di ba?

“Okay na rin na nawala ako sa network na ‘yun, mas maganda nangyari sa akin at saka hindi ko na rin siya kayang makatrabaho if ever,” diretsong sabi pa sa amin.

Parang hindi naman namin ramdam na namimiligro ang career ng TV executive kasi okay naman ang takbo niya ngayon sa network.

Hmmm, alamin nga namin. (REGGEE BONOAN)