CALATAGAN, Batangas - Kinikilala pa ng awtoridad ang isang dayuhan na natagpuang nakalutang sa dagat na sakop ng Calatagan, Batangas.

Ayon kay Chief Insp. Jonathan Bagayao, hepe ng Calatagan Police, dakong 1:50 ng hapon nitong Hunyo 12 nang matagpuan ang bangkay na nakalutang sa karagatang sakop ng Barangay Talisay.

Inilarawan ang biktima na nasa 5’6” ang taas, nasa edad 35-40, nakasuot ng asul na Aero T-shirt, asul na checkered shorts, brown na rubber shoes, at itim na medyas.

Nakarekober ng basyo ng bala ng .45 caliber pistol ang awtoridad may 12 metro ang layo sa lugar na roon natagpuan ang biktima.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ng pulis ang pagkakakilanlan ng biktima na may hitsurang mula sa Middle East. (Lyka Manalo)