TAHASANG binanggit ni Enchong Dee na dahil sa sunud-sunod na trabaho niya ay nakapag-move na siya sa break-up nila ni Samantha Lewis. Inamin ng actor na dahil sa relasyon nila ay naramdaman niya na parang nakalimutan na niya ang trabaho niya. 

“For the past two years while I was in the relationship parang hindi na naging priority sa akin noon ang trabaho ko.

At the same time I’m enjoying now the process of moving on because 100 percent na nasa konsentrasyon ko ang trabaho

ko ngayon,” sey ni Enchong. 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ngayon ay kailangan daw niyang maging busy sa showbiz at marami rin naman ang nakapansin na medyo naisantabi nga niya ito. 

Pero nilinaw ni Enchong na kahit tapos na ang relasyon nila ni Samantha ay nagkakausap pa rin sila. Inamin ng actor na nasa kanya ang problema sa paghihiwalay nila. 

Ano ang masasabi ni Enchong sa balitang may bago nang boyfriend ang dating kasintahan? Wala raw siyang alam tungkol dito at kahit nagkakausap sila ay hindi niya ito kayang itanong kung may kapalit na siya.

“Di ko pa talaga alam. I mean, parang too sensitive naman for me to ask her that kind of question. Kumbaga, tapos na naman kami, di ba?” sey ni Enchong. 

Hindi maitago ng Kapamilya actor na mahal pa rin niya ang dating kasintahan. 

“I love her, and I will still be there for her. Bibihira akong makahanap ng ganu’ng klaseng babae. Kaya sabi ko sa kanya na anytime she needs me, text lang niya ako and I’ll be there,” banggit pa ng actor. 

Aminado si Enchong na mas makakabuti sa kanyang isantabi muna ang love life at mas bibigyan niya muna ng priority ang kanyang showbiz career. 

“Wala muna ‘yan, magsi-save muna ako. Trabaho muna tayo,” napatawang sabi ng bida ng I Love You To Death kasama ang leading lady niyang si Kiray Celis na malapit nang ipapalabas.

Di ba, Ms. Thess Gubi? (JIMI ESCALA)