GERONA, Tarlac – Isang babae na nakaangkas sa motorsiklo ang nasawi, habang sugatan naman ang driver ng sasakyan matapos nilang makasalpukan ang isang tricycle sa Barangay Magaspac, Gerona, Tarlac.

Kinilala ni PO1 Kevin Breis ang namatay habang ginagamot sa Sacred Heart Hospital na si Rowie Mangalus, 32, ng Purok Centro, Bgy. San Juan, Moncada, Tarlac, habang grabe naman ang mga tinamong sugat ni Dennis Mangalus, 35, driver ng Honda TMX 155 motorcycle (CO-28302).

Nakabanggaan ng motorsiklo ang Motorstar 110 tricycle o kolong-kolong (XA-7571), na minamaneho ni Jason Aborgo, 26, may asawa, ng Bgy. Singat, Pura, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog