Nakipagpulong kamakailan ang mga opisyal ng National Commission for Culture and Arts (NCCA) kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada upang talakayin ang rehabilitasyon ng mga makasasayang istruktura sa siyudad, na pangungunahan ng Metropolitan Theater (MET) sa P. Burgos Avenue.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong kay Estrada sina NCAA Chairman Felipe de Leon Jr. at ang legal counsel na si Trixie Cruz-Angeles para sa tatlong-taong proyekto, na uunahin ang P270-milyon rehabilitasyon ng MET.

Binuksan sa pagtatanghal noong Disyembre 1931, una nang nagsagawa ng clean-up drive ang NCAA sa MET na pinangunahan ni Gerald Lico, consulting architect sa MET restoration project.

Ayon kay Lico, naglaan ang NCCA ng P43 milyon para sa disenyo at preconstruction work, at karagdagang P270 milyon para sa rehabilitasyon nito.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

“We have to obligate the funds before the end of the year...we are doing the comprehensive plans since April. It’s very complicated because of the level of deterioration. We aim to bid out the actual construction by October,” dagdag niya.

Hindi naman inihayag ng Office of the City Mayor ang halaga na ilalaan nito sa rehabilitasyon ng makasaysayang gusali bagamat nakasaad sa pahayag ng media na magpapatupad ng traffic rerouting scheme sakaling simulan na ang rehabilitasyon ng MET.

Bukod sa MET, isasailalim din sa rehabilitasyon ang mga lumang bahay sa Quiapo, Binondo at San Nicolas na itinayo pa noong panahon ng Kastila, kabilang ang Case de Tribunal de Naturales na kinumpuni noong 1886.

Isasailalim din sa rehabilitasyon ang Park ‘N Ride terminal sa tabi ng MET at Escolta-Intramuros boardwalk area sa Pasig River, Plaza del Carmen, at San Sebastian Church. (Jenny F. Manongdo)