Ipinahayag kahapon ng Office of the Ombudsman na nililitis na ang kaso ng isang alkalde sa Sorosogon kaugnay sa kasong malversation dahil sa pagkabigo umanong i-liquidate ang mga cash advance na kanyang kinuha sa pondo ng munisipalidad mula 2004 hanggang 2007.

Bukod kay Mayor Alejandro Gamos ng Santa Magdalena, Sorsogon, isinama rin sa complaint sheet sina Municipal Accountant Roselyn Gile at Treasurer Virginia Laco, ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Lumitaw sa special audit na isinagawa ng Commission on Audit (CoA) na sa loob ng apat na taon, umabot sa 52 ang bilang ng cash advance ni Gamos na nagkakahalaga ng P8.2 milyon.

Ayon sa record ng Ombudsman, P2.7 milyon mula sa kabuuang halaga ang nanatiling unliquidated hanggang 2008.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Nag-cash advance muli si Gamos noong Enero 2007 ng P400,000 subalit bigo pa rin itong i-liquidate ang naturang halaga at hindi rin ito naitala sa book of accounts.

Naiulat na nagpadala ng demand letter ang CoA subalit dinedma umano ito ni Gamos.

“Respondent Mayor Gamos had custody of said cash advances by reason of his office for which he is accountable. By failing to liquidate the same despite demand by the COA, a prima facie presumption arises that he misappropriated the said amount” ayon sa OMB resolution. (Jun Ramirez)