Mga laro ngayon

(JCSGO Gym, Cubao)

2 n.h. -- Topstar vs Phoenix

4 n.h. – Café France vs Racal

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Target ng defending champion Café France at Racal Tiles na masikwat ang ikalawang sunod na panalo sa kanilang pagtatapat sa pagpapatuloy ng elimination round ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nakatakda ang sagupaan sa pagitan ng Bakers at Tile Masters sa tampok na laro sa 4:00 ng hapon. Asam din ng Phoenix na makisosyo sa maagang liderato sa pakikipagtuos sa Topstar sa unang laro sa 2:00 ng hapon.

Nagwagi ang Bakers laban sa Aguilas sa opening day, 89-64, habang dinurog ng Tile Masters ang AMA Online Education, 100-67, sa unang laban kahit wala sa roster ang star player na sina Jason Perkins at Jiovani Jalalon.

Sa unang laban, sinabi ni Bakers coach Egay Macaraya na hilaw pa at nangangapa ang kanyang tropa, ngunit umaasa siyang malaki ang ipagbabago ng kanilang atake matapos ang pagsasanay.

Ayon naman kay Caloy Garcia, teamwork at hindi individual talent ng kanyang mga players ang kanilang ginamit na sisikapin nilang ipagpatuloy sa pamamagitan ng maayos na”ball movement”.

Muling sasandalan ang Bakers nina Carl Cruz, Paul Zamar, at Rod Ebondo, habang makakatapat naman nila ang pambato ng Racal na sina Dexter Maiquez, Ael Banal, Jonathan Grey, at Rob Celiz.

Sa unang laban, pinapaboran ang Accelerators na kumakampanya para sa target nilang back-to-back championship kontra sa Aguilas matapos ang kanilang 33- puntos na demolisyon ng Titans sa unang laro.