Magpapatupad ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng heightened alert status hanggang sa Hunyo 20 sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa pagsisimula ng mga klase sa mga eskuwelahan.

Ito ay bahagi ng Oplan Ligtas Biyahe: Balik Eskwela 2016 ng Manila International Airport Authority’s (MIAA) na ilalatag ang security measures.

Tiniyak ni MIAA General Manager Jose Angel Honrado na handa ang mga paliparan na alalayan ang mga estudyante at guro sa kanilang paglipad at pagbalik sa mga eskuwelahan.

“While June may not be the busiest month for flying, management assures passengers that the same level of security will be implemented at the airport as that of the peak season,” sabi ni Honrado.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang mga pasahero na mayroong katanungan ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa MIAA sa pamamagitan ng hotline 0917-“TEXNAIA” o 0917-8396242 o sa Department of Transportation and Communications Action Center sa (02) 7890. (PNA)