Naglunsad ang Manila City Hall Action and Special Assignment (MASA) police detachment ng operasyon laban sa mga video karera machine at iba pang illegal gambling activities sa lungsod, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mga ito.

Pinaigting na rin ng pamahalaang siyudad ang pagsagip sa mga batang lansangan na sumisinghot ng rugby na karaniwang nasasangkot sa krimen.

Ayon kay Chief Inspector Bernabe Irinco Jr., supervising officer ng MASA, ang kampanya laban sa illegal gambling ay isinagawa alinsunod na rin sa polisiya ni Manila Mayor Joseph Estrada na sugpuin ang mga ilegal na aktibidad sa lungsod, partikular na ang saklaan at jueteng.

Sinabi ni Irinco na mula Hunyo 1 hanggang kahapon ay nakakumpiska na ang kanyang mga tauhan ng kabuuang 25 video karera at fruit game machines.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Nasagip din ang 14 na kabataan na palabuy-laboy sa lansangan at sumisinghot ng rugby.

Ang mga ito ay inilipat na kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Manila.

(Mary Ann Santiago)