Habang nagsusumikap na mapabuti ang economic relations sa China, dapat ding ipursige ng Pilipinas ang regional cooperation sa ibang mga bansa upang mapanatili ang katatagan sa rehiyon, lalo na sa West Philippine Sea, kung saan lalong nagiging agresibo ang Beijing sa pagpapalawak ng presensiyang militar nito.
Ito ang pahayag ng independent think tank na Stratbase Albert del Rosario Institute (ADRi) for International Studies, nitong Linggo, binigyang-diin rin ang pangangailangan sa mga bansa sa Asia na magbantay laban sa assertive dominance ng China sa rehiyon.
“While Asia recognizes that China has long been an important force for economic prosperity and security in the region, there should be resistance when Beijing becomes overzealous in asserting this dominance,” sabi ni Stratbase ADR Institute President Dindo Manhit.
At para sa Pilipinas, sinabi ni Manhit na “improving the country’s economic partnership with Beijing under a Duterte presidency need not be mutually exclusive with efforts to develop a credible defense posture and should be seen as a complement to the strategic deterrence provided by US forward military deployment and partnerships with Japan and Australia.”
Partikular niyang tinukoy ang 2014 US-PH Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), na idineklarang constitutional ng Supreme Court noong Enero 12. Ang ADRi ang punong-abala ng forum na tinawag na “Asia-Pacific Perspectives on Implementing the Enhanced Defense Cooperation Agreement”, ngayong araw sa National Defense College of the Philippines (NDCP) sa Camp Gen. Emilio Aguinaldo. (ELENA L. ABEN)