Sasabak ang 23 kataong Philippine Dragonboat Team sa 23rd Ottawa Tim Hortons Dragonboat Festival sa Hunyo 23-26 sa Ontario, Canada.

Sinabi ni Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) president Jonne Go na sasabak ang pambansang koponan sa short at long distance event sa torneo bilang paghahanda hindi lamang sa SEA Games kundi pati na rin sa kada apat na taong Asian Games na gaganapin sa Indonesia sa 2018.  

 “Actually, gusto namin sila sanayin na puro ibang lahi ang kalaban para hindi sila nababalahibuhan kapag mag-compete sa mga international tournament like SEA Games and Asian Games,” sabi ni Go.

Kabuuang 13 kalalakihan sa pangunguna ng Olympic Qualifying veteran na si Hermie Macaranas kasama sina Ojay Fuentes, Fernan Dungan, Reymart Nevado, Oliver Manaig, John James Pelagio, Alex Generalo, Daniel Ortega, John Paul Selencio, Jonathan Ruiz, Frank Feliciano, Jordan De Guia, at Michael Selencio ang kasama sa koponan.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Ang 10 sa kababaihan ay binubuo naman nina Maribeth Caranto, Apple Jane Abitona, Rosalyn Esguerra, Rea Glore, Patricia Ann Bustamante, Ella Fe Niuda, Glaiza Liwag, Raquel Almencion, Rea Roa, at Rosse Burgos.

Ang delegasyon ay pinamumunuan nina Go bilang Team Manager, Diomedes Manalo bilang male coach, Christian Abejar bilang female coach at Leonora Escollante na technical staff. - Angie Oredo