TUWANG-TUWA ang entertainment industry people sa sunud-sunod na panalo ng mga artista natin sa iba’t ibang international film awards sa ibang bansa. Siyempre ang higit na hinahangaan ng lahat ay ang pagkakapanalo ni Jaclyn Jose as Best Actress sa 69th Cannes International Film Festival para sa pelikulang Ma’Rosa ni Direk Brillante Mendoza. 

Sinundan si Jaclyn ng magkasunod na panalo rin nina Jake Cuenca at Sid Lucereo sa magkahiwalay na international film festivals sa magkahiwalay ring pelikula. Ang latest ay ang pagkilala sa sikat na actor na si John Lloyd Cruz sa 2016 New York Asia’s Film Festival para naman sa performance niya sa pelikulang Honor Thy Father. 

Matandaang naging kontrobersiyal ang nasabing pelikula na idinirek ni Direk Erik Mati para sa nakaraang 2015 Metro Manila Film Festival. Sa naturang pelikula tinanghal si John Lloyd bilangt kauna-unahang South Asian actor at gagawaran ng Best Actor award sa Honor Thy Father. 

Kasabay ni John Lloyd, gagawaran naman ang Filipino actress na si Teri Malvar ng Screen International Rising Asia Award para naman sa pelikulang Hamog. 

Jericho, umaming jowa na si Janine sa lamay ni Pilita

Ang ipinagtataka lang ng nakausap naming award-winning actress, bakit hindi yata nabibigyan ng pagpapahalaga ng gobyerno ang mga artista natin na nag-uuwi ng karangalan ng mga artista natin. 

“Malaking karangalan ang nakukuha ng ilang Filipino actors natin mula sa ibang bansa. Pero bakit tahimik yata ang gobyerno natin? Busy yata lahat, nakatutok kay President-elect Duterte,” komento ng kausap naming aktres. --Jimi Escala