BAMBAN, Tarlac - Natigmak ng sariwang dugo ang pangunahing lansangan sa Barangay Anupul sa Bamban, matapos magrambola ang tatlong behikulo na ikinamatay ng dalawang katao at grabeng ikinasugat ng apat na iba pa.

Kinilala ni PO2 Jeramie Naranjo ang mga nasawi na sina Edwin Vivas, 34, driver ng Yamaha Mio motorcycle, sewer sa Luen Thai sa Clark, at residente ng Bgy. Manga, Capas; at Aiza Padilla, 31, isa ring sewer, ng Sitio Maligaya, Bgy. Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac.

Sangkot din sa karambola ang isang Isuzu passenger jeepney (CVZ-865), na minamaneho ni Fortunato Lopez, 63, ng Bangar, La Union, at kasalukuyang naninirahan sa Bamban; isang Isuzu Elf dropside truck (PDI-942) na minamaneho naman ni Angine Amorganda Ensao, 27, ng Tarlac City; kasama sina Leslie Almocera, 22, truck helper, ng Bgy. San Vicente; at Victor Taganas, 20 truck helper, ng Bgy. San Rafael, Tarlac City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, patungong Capas ang Isuzu truck nang magmenor ito at kumaliwa patungo sa gasolinahan, pero aksidenteng nabangga ang likuran ng jeepney.

Probinsya

Problema ng pagbaha sa Rizal, dapat pangunahan ng angkan ng Ynares at Duavit —De Guzman

Dahil sa lakas ng impact ay nawala ito sa kontrol at bumangga sa kasalubong na motorsiklo, na ikinamatay nina Vivas at Padilla. - Leandro Alborote