SORSOGON CITY – Dalawang intelligence operative ng Sorsogon Police Provincial Office ang napatay, habang nasugatan naman ang isang sibilyan sa isang ambush sa Zone 8, Bulan, Sorsogon, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Sorsogon Police Provincial Office Director Senior Supt. Ronaldo Cabral ang mga napatay na sina PO3 Teddy Sacupon, intel, police non-commissioned officer (PNCo) ng Sorsogon Provincial Public Safety Company (SPPSC); at PO2 Efren Villamor, Jr., IOP of PPSC, habang ang sibilyan ay nakilalang si Ruben Herno, na maayos na ngayon ang lagay matapos mabaril sa insidente.

Sinabi ni Cabral na nagpapatrulya ang dalawang pulis sakay ng motorsiklo, kaangkas si Herno, patungong Sorsogon City nang pagbabarilin sila ng tatlong armadong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bahagi ng Zone 8 sa Bulan

Narekober sa pinangyarihan ang 11 cartridge ng .45 caliber pistol, tatlong cartridge ng .9mm na pinaniniwalaan sa mga biktima, at ang mga service firearm ng dalawang pulis. (Niño N. Luces)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar