Isinusulong ngayon sa Kamara ni Bacolod City Rep. Evelio Leonardia ang panukala na pipigil sa madalas na pagliban ng mga estudyante sa elementarya at high school.

Puntirya ng House Bill 6504 ang monitoring sa student attendance at pagsasagawa ng regular analysis sa attendance report upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa kung bakit madalas lumiban ang mga estudyante.

“Student absenteeism can lead to low academic achievement, school dropout, delinquency and gang involvement,” ani Leonardia. “Although there have been efforts and laws made to secure the attendance of students in school, there is still a need to hasten and improve the system to ensure that the stay of students would be worth the time and money spent for their education.”

Sa ilalim ng panukala, oobligahin ang mga educator na resolbahin ang problema sa absenteeism sa pagsusulong ng mga aktibidad na pangkalusugan upang maiwasang maging sakitin ang mga estudyante, na dahilan ng madalas na pagliban.

Metro

Humigit-kumulang 500k deboto, dumalo sa prusisyon ng Poong Nazareno ngayong Biyernes Santo

Hangad din ng HB 6504 na maisulong ang magandang classroom at school environment upang ganahang pumasok ang mga estudyante. (Charissa M. Luci)