Mga laro sa Martes

(JCSGO Gym, Cubao)

2 n.h. -- Racal vs AMA

4 n.h. -- Phoenix vs Tanduay

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Matinding panimula ang ipinamalas ng defending champion Cafe France nang dominahin ang Topstar ZC Mindanao, 89-64, nitong Huwebes sa pagbubukas ng 2016 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Kipkip ang hangaring makabawi sa natamong kabiguan noong first conference gayundin ang maipagtanggol ang titulo, inumpisahan ng Bakers ang kampanya sa impresibong 20-6 run tungo sa dominanteng panalo.

“They have to understand that they have to overcome those obstacles. I just let them feel and understand na kaya nila ‘yan. Sometimes, they have to learn to compose themselves and not rely on the coach,” pahayag ni coach Egay Macaraya.

Sa ikalawang laban, nakalusot ang Tanduay sa hirit ng AMA Online Education para maitala ang 72-66 panalo.

Namuno para sa Rhum Masters si Rudy Lingganay na may 12 puntos at tatlong rebound.

“Ganun talaga. Yung character talaga ng team yung bagay na talagang tinututukan ko. May tendency talaga yung mga bata na mag-relax. Lumalaban sila sa level of competition ng kalaban, and sooner or later, pagbabayaran namin yan,” ayon kay Tanduay coach Lawrence Chongson. (marivic awitan)