CAMP DANGWA, Benguet - Nasa kritikal na kalagayan ngayon ang isang magsasaka matapos siyang pagtatagain ng nakakabata niyang kapatid sa Pinukpuk, Kalinga, iniulat ng Police Regional Office-Cordillera sa La Trinidad.

Nabatid kay Supt. Cherry Fajardo, regional public information officer, na nataga sa iba’t ibang parte ng katawan si Rolando Bangguwoy Magwelang, 38, ng Sitio Bugtoy, Barangay Dugpa, Pinukpuk, at ginagamot ngayon sa Almora General Hospital sa Tabuk City.

Sa imbestigasyon, dakong 12:30 ng umaga nitong Huwebes at himbing ang biktima nang pasukin siya ng kapatid na si Romy, 29, na noon ay lasing, at walang sabi-sabing pinagtataga.

Sumuko ang suspek sa pulisya at sinabing hindi niya maipaliwanag kung bakit niya tinangkang patayin ang sariling kapatid. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog