Pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang gagarantiya sa mga karapatan ng day care worker para sa seguridad ng kanilang trabaho, makataong kondisyon at tamang sahod.

Ang House Bill 6410, na ipinalit sa House Bills 16, 829, 1488, 1650, 2023, 2133, 2488, 2604 at 3706, ay itinaguyod sa plenaryo ng House Committee on the Welfare of Children na pinamumunuan ni Rep. Aurora Enerio-Cerilles (2nd District, Zamboanga del Sur).

Binigyang-diin ni Rep. Ronald Singson (1st District, Ilocos Sur), isa sa may-akda, ang kahalagahan para sa Estado na magkaloob sa day care workers ng tamang sahod, benepisyo, at insentibo na angkop sa kanilang kalagayan at ginagampanang papel. (Bert de Guzman)

Musika at Kanta

JK Labajo, bukas sa ideyang maka-collab si Darren Espanto