ZWARA, Libya (AFP) – Nagkalat sa dalampasigan ng bayan ng Zwara sa Libya ang bangkay ng nasa 117 migrante, karamihan ay babae, na tinangkang tumawid patungong Europe, ayon sa Red Crescent.

“So far, 117 bodies have been found, 70 percent of them women and six children,” sabi ni Khames el-Boussefi, tagapagsalita ng Libyan Red Crescent.

Una nang nagpalabas si Libyan Navy Spokesman Col. Ayoub Qassem ng kaparehong bilang ng mga bangkay na natagpuan simula nitong Hunyo 2 ng gabi, sinabing posibleng madagdagan pa ito dahil ang isang bangka ay karaniwan nang nagsasakay ng 115-125 pasahero.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo