Mula sa intensive care unit (ICU), nailipat na kahapon sa isang regular na silid sa Makati Medical Center si Senator Miriam Defensor Santiago, na indikasyon na bumubuti na ang kanyang kalusugan.

Isinugod si Santiago sa MMC-ICU matapos dapuan ng pneumonia bunsod ng komplikasyon sa lung cancer nitong Miyerkules.

Sa pahayag na ipinamahagi ng kanyang staff, sinabing idineklara ng mga doktor na stable na ang kondisyon ng beteranong mambabatas.

Anila, bagamat bumuhos ang mga bisita ng senadora matapos maiulat na isinugod ito sa ospital, hindi naman sila pinayagan ng MMC management na makapasok sa pasilidad.

Eleksyon

ACT-CIS, Duterte Youth, PPP, at 4PS, nanguna sa 2025 Party-List Survey

Sa halip, hilining ng kampo ni Santiago sa publiko na ihayag ang kanilang pakikisimpatya sa Facebook page ng mambabatas.

“Senator Miriam Defensor Santiago is feeling better now. She is scheduled to return from ICU to a private room.

Further updates will be announced by her office soon. Thank you,” saad sa pahayag. (Hannah L. Torregoza)