Kiko at Baron (PLEASE CROP THE LOWER PART) copy

TINANGGAP ni Baron Geisler ang imbitasyon ng Universal Reality Combat Championship (URCC) na i-settle nila ang sigalot nila ng indie film actor na si Kiko Matos sa loob ng Mixed Martial Arts (MMA) cage.

Nagsimula ang away nina Baron at Kiko sa isang bar sa Quezon City na nakunan ng video at in-upload ng nakakuha sa social media. Napanood na inuupakan ni Kiko Matos si Baron na anyong nag-aabot ng pakikipagkamay.

Naging viral kaya ang URCC founder na si Alvin Aguilar ay nagbigay ng pormal na imbitasyon sa kanila na i-settle ito sa loob ng URCC cage at hindi sa kalye.

Lifehacks

ALAMIN: Mga Do’s and Don’ts sa Panonood ng Concerts

Kaya noong May 31, tinanggap ni Baron ang imbitasyon at magaganap ang “Fight Night Card” sa The Palace Pool Club sa Taguig City sa June 25, 2016. 

Ang proceeds ng fight ay ibibigay sa charity. 

Nagsimula nang mag-training si Baron sa taekwondo sa kapatid na si Donnie na member ng Philippine Taekwondo team na nag-represent sa bansa in the 2000 at 2004 Summer Olympics Games.

Nakahanda rin naman daw si Kiko na harapin si Baron under the MMA rules kaya lalabanan niya si Baron, anytime, anywhere.

Kung sino man ang manalo, sana’y matapos na ang kasong ito nina Baron at Kiko sa MMA cage. (NORA CALDERON)