May bagong lalaki sa buhay ni Emma Roberts!

Namataan ang aktres sa London nitong linggo habang naglalakad at kaakbay ang isang lalaki, na napag-alaman ng ET na ito ay si Christopher Hines. Isang source ang nagkumpirma sa ET na nagdi-date ang magkasintahan.

Nakunan ng litrato ang magkasintahan habang naglalakad, nag-uusap at nagtatawanan, at umiinom ng kape sa mataong English metropolis.

Lumalabas na ilang araw nang magkasama ang dalawa upang mas makilala ang bawat isa habang nililibot ang mataong kalye sa London. Nilabanan ng Scream Queens star ang malamig na panahon sa pagsuot ng itim na coat at itim na pantaloon habang si Hines ay nakasuot ng zip-up sweater.

Events

The Corrs, magko-concert sa ‘Pinas sa Feb. 2025!

Matatandaang mag-isang pumunta si Roberts sa Dior Welcome Dinner, sa Lady Dior Pub noong Lunes. Litaw na litaw ang ganda ng 25 taong gulang na aktres sa low-cut white dress sa ilalim ng itim na leather jacket.

Nitong Martes, ang nakasisilaw din ang ganda ng striking star suot ang curve-hugging black gown sa spring/summer 2017 Cruise collection ng Christian Dior showcase sa Blenheim Palace sa Woodstock, England. Itinerno ni Roberts ang itim, leggy ensemble sa isang silver purse at sinamahan pa ng itim na stilettos.

Minsan nang naiugnay si Roberts sa kanyang American Horror Story co-star, si Evan Peters, ngunit nauwi sa wala ang kanilang engagement noong Hunyo 2015 makalipas ang dalawang taong relasyon. (ET Online)