Mga laro ngayon

(Ynares Sports Arena)

2 n.h. -- Cafe France vs Topstar

4 n.h. -- Tanduay vs AMA

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sisimulan ng Cafe France ang kanilang title retention bid sa pakikipagtuos sa Topstar ZC Mindanao sa pambungad na laro ngayong hapon sa pagbubukas ng 2016 PBA D - League Foundation Cup.

Magtutuos ang dalawang koponan ganap na 2:00 ng hapon na susundan ng tampok na laro ganap na 4:00 sa pagitan ng Tanduay at AMA Online Education, sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Muling sasandigan ni Bakers coach Egay Macaraya ang kanyang mga pambato na sina Samboy de leon, Aaron Jeruta, Mon Abundo, Carl Cruz, at big man Rodrigue Ebondo.

Bukod dito, inaasahan ding makatutulong sa frontline ng Bakers ang pagbabalik aksiyon ng kanilang power forward na si Jam Cortez na nagtamo ng injury sa nakalipas na season.

Sa Hunyo 7 sasalang ang nakaraang Aspirants Cup champion Phoenix Petroleum na makakasagupa ang Tanduay sa una nilang laban kasabay ng Racal Tiles na makakatapat naman ang Titans.

Ang ikapitong koponan na Blustar Detergent na binubuo ng mga manlalaro ng Westport Malaysian Dragons ay sa Hunyo 13 pa sasalang sa aksiyon.

Magkakaroon ng double round elimination ang torneo sa unang pagkakataon kung saan ang top two at may bentaheng twice-to-beat sa pag-usad nito sa cross-over Final Four round na ang mananalo ay maghaharap sa best-of-3 finals series.