TAMPA, Fla. (AP) – kinumpirma ng mga awtoridad na dalawang katao ang namatay at 57 iba pa ang naospital matapos dumalo sa Tampa music festival.

Ang Sunset Music Festival ay ginanap sa Raymond James Stadium noong Sabado at Linggo.

Iniulat ng Tampa police sa isang news release kahapon na isang 22-anyos na lalaking taga-Melbourne at isang 21-anyos na babaeng taga-Kissimmee ang naospital noong Sabado. Namatay ang lalaki noong Linggo, habang ang babae ay namatay nitong Lunes. Wala pang inilalabas na resulta ng kanilang pagkamatay ang medical examiner’s office.

Hindi sinabi ng pulisya kung bakit naospital ang 57 iba pa.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Iniulat din ng pulisya na 25 ang inaresto sa felony, walo sa misdemeanor at 16 sa marijuana civil citations sa festival.