SAN MANUEL, Tarlac – Isang pasahero ang nasawi at 12 iba pa ang sugatang isinugod sa pagamutan matapos na magkabanggaan ang isang pampasaherong bus at isang cargo truck sa Barangay San Agustin, San Manuel, Tarlac.

Nasawi si Danilo Manzano, 47, ng Bgy. Ar-Arampang, Balauang, La Union, habang isinugod naman sa Dr. Marcelo H. Chan Hospital sa Rosales, Pangasinan sina Francisco Tala, 64, driver ng Isuzu cargo aluminum dropside truck (RKR-531), ng Naguilian, La Union; Roberto Concepcion, 57, driver ng pampasaherong Viron Bus (AVZ-742), ng Tagudin, Ilocos Sur.

Sugatan din ang mga pasahero ng bus na sina Felicidad Rabago, 46; June Angelo Ridulfa, 24; Ma. Edelyn Rabago, 20, ng San Vicente, Ilocos Sur; Julius Claro, 23; at Lorena Claro, 51, ng Bugalion, Ilocos Sur; Jeffery Millenas, 36, ng Jose Panganiban, Camarines Sur; Dan Adela, 63, ng San Ildefonso, Ilocos Sur; Nora Cuenta, 24, ng Sta.Lucia, Ilocos Sur; Erenio Dela Cueva, 55, ng Ilocos Sur; at Onofre Calderon, 59, ng Narvacan, Ilocos Sur. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog