NEW YORK (AP) - Isang koleksiyon ng mga hindi pa nailalabas na isinulat ni Mother Teresa ang ilalathala sa Agosto, ilang linggo bago ang canonization ng yumaong Nobel Peace Prize winner.

Inihayag ng Image, isang imprint ng Crown Publishing Group, sa AP nitong Martes na itinakda sa Agosto 16 ang paglabas ng “A Call to Mercy: Hearts to Love, Hands to Serve.”

Sa Setyembre 4, idedeklarang santo ni Pope Francis si Blessed Teresa of Calcutta. Pumanaw ang madre noong 1997, sa edad na 87.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline