BIGATING mga papremyo ang naghihintay sa mahigit 750 Kapuso viewers mula sa mas pinalaking Kapuso Milyonaryo (KM) 2016.

Sa ikalimang taon nito, patuloy pa rin sa paghahatid ng suwerte ang KM lalo pa’t pinakamaraming bilang ng magwawagi ang tatanghalin sa kasalukuyang season.

Tumatagingting na P1 million cash ang naghihintay sa 13 Kapuso viewers, at may isang winner din ng house and lot, isang winner ng bagong kotse, at limang mananalo ng bagong scooter.

Magkakaroon din ng pitong weekly winner ng P7,000 cash, dalawang surprise winner ng P1 million, at tig-iisang winner ng P500,000, P300,000, at P150,000. Samantala, may tatlong daily winner naman ng P1,000 at siyam na daily winner ng home appliances. Lahat ng premyo ay tax free.

'Para pa ba sa akin 'to?' Zephanie, muntik nang umexit sa showbiz

Para sumali, maglagay lamang ng proof-of-purchase mula sa anumang participating brand at isama ang kumpletong contact detail sa isang puting sobre.

Maaaring ihulog ang mga entry sa mga drop box sa participating Mercury Drugstore outlets at sa lahat ng GMA stations nationwide mula Mayo 22 hanggang Hulyo 16, 2016.

Maaari ring subukan ang suwerte kahit saan, kahit kailan sa mas pinagandang Kapuso Milyonaryo mobile app para maging isa sa limang daily winner ng cell phone load at may tsansa pang manalo ng mas malalaking premyo sa pagpapadala ng proof-of-purchase entries kasama ng kanilang mobile promo code.

Pitong winner ng P3,000, isang weekly winner ng P10,000 at isang grand winner ng P300,000 ang pipiliin sa mga sasali sa mobile app promo.

Maaaring i-download ang app sa Google Play Store para sa Android devices at sa App Store naman para sa iOS devices simula Hunyo 14. Ang promo period para sa mobile app promo ay tatakbo hanggang Agosto 8.

Mula sa nakaraang walong season, nakalikha na ng 91 milyonaryo, pitong house and lot winner, labing-apat na winner ng bagong sasakyan, at halos 1,500 winners ng cash prize.

Ang Kapuso Milyonaryo 2016 participating sponsors ay binubuo ng Zonrox Bleach, Porksavor All-In-One Seasoning Mix, Milo, Del Fabric Softener, Bear Brand Sterilized, Tang, Nescafe, Eden, Oreo, Sunsilk, Cream Silk, Green Cross Moisturising Ger-Protection Bar Soap, at Funky Potato Snacks.

Para sa karagdagang detalye, i-like ang Facebook page www.facebook.com/GMAKapusoMilyonaryo, o bisitahin ang websitewww.gmanetwork.com/kapusomilyonaryo.