BAGUIO CITY - Sa ikaapat na pagtatangka ay tuluyan nang nawakasan ang buhay ng isang estudyante matapos niyang tumalon mula sa apat na palapag na gusali sa Barangay Bakakeng sa siyudad na ito.

Kinilala ang biktimang si Bryan Angelo Macaraeg Gonzales, 20, hotel and restaurant management student, at nakatira sa SLU-SVP Housing sa Baguio City.

Ayon sa amang si Ramon Orsal Gonzales, una nilang nakita na may mga laslas sa magkabilang braso ang anak na nangatwirang lasing lamang ito. Makalipas ang dalawang linggo, isinugod naman nila ang anak sa psychiatric ward ng Baguio General Hospital matapos maglason, pero nagamot ito.

Kamakailan, nagawang pigilan ng ilang kaanak si Bryan habang umaakyat sa bubong ng bahay.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dakong 8:00 ng gabi nitong Martes nang nakita si Bryan na walang malay na nakabulagta sa tapat ng kanilang bahay.

Napag-alaman sa imbestigasyon na umakyat si Bryan sa bakal na pader sa harapang bahagi ng bahay at dumaan sa water tank ladder patungo sa bubong ng isang apat na palapag na apartment at tumalon doon. (Rizaldy Comanda)