Mariing pinasinungalingan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa kaniyang panayam sa media nitong Lunes, Mayo 12, ang mga paratang na layon “War on Drugs” na pumatay ng tao.
Aniya pa sa nasabing panayam, bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) noong “war on drugs” sa ilalim ng pamumuno ni dating pangulong Rodrigo Duterte, wala siyang pang-aabuso na pinahintulutan, bagkus, inimbestigahan pa raw niya ito.
“Kahit isang order, walang finile sa akin kasi alam nila wala akong pinatay na tao at wala akong inutusang ‘patayin ninyo ‘yan.’ Yung mga taga-ICC, naniniwala sa kanilang mga fabrication. Everything is fabricated,” mariing saad ni Dela Rosa.
“Ang role ko is para mag-lead sa ‘war on drugs,’ and it doesn’t mean na kapag ‘war on drugs,’ ay patayin lahat ng tao. Of course, kung buhay ng mga pulis ay nasa bingit ng kamatayan, dapat nibisan ang sarili nila. Wala akong pang-aabuso na hinahayaan, kung mayroon nga [pang-aabuso], iniimbestigahan natin,” dagdag pa ng Senador.
Sa panayam din, binanggit ni Dela Rosa na pawang pamumulitika lamang ang panghuhuli sa kaniya.
“This is all about politics. [Si] Trillanes na galit sa mga Duterte, [sa] mga makakaliwa, na galit sa pagtira ni Duterte sa mga komunista, at yung sakim na [si] Martin Romualdez, na gustong maging presidente ng Pilipinas. Sila ang nag-coordinate nitong lahat para pabagsakin ang mga Duterte,” saad ni Dela Rosa.
“Kasi kung hindi ito politics, bakit hindi na lang nila ako kasuhan dito sa local court. They want us to banish from the Philippines. Dito, kung gusto nila ng accountability, magkaso sa Pilipinas,” pagalit niyang dagdag.
Matatandaang isa ang pangalan ni Dela Rosa sa mga nabanggit ng International Criminal Court (ICC) na umano’y co-perpetrator at nakatulong ni Duterte noong sa madugong “war on drugs” mula 2011 hanggang 2019.
MAKI-BALITA: Dela Rosa, Go, atbp., co-perpetrators sa war on drugs ni FPRRD—ICC