Matikas na nakausad sa Round of 16 sina Pinay top seed Pauline del Rosario at Princess Superal sa unang yugto ng 2016 US Women’s Amateur Four-Ball Championship nitong Lunes (Martes sa Manila).

Ginapi ng dalawang Pinay ang mga karibal na sina Mikayla Fitzpatrick at Alisa Snyder, na kanilang nadomina simula sa par-4 opening hole nang makaiskor sila ng birdie sa Streamsong Resort.

Naisayos nina Del Rosario at Superal ang second round match-up kina Hana Ku at Jordan Lippetz, nagwagi sa 19 holes kontra sa tambalan nina Kaitlin Milligan at Sydney Youngblood.

Umusad din ang No. 18 pair nina Sofia Chabon at Mikhaela Fortuna nang manalo kontra kay No. 15 Alyssa Lamoureux at Alexa Pano, 5 and 4.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Naisalba naman ng magkapatid na Nicole at Waverly Whiston sina No. 2 seed Sierra Brooks at Kristen Gillman sa 18 holes.

Magtutuos sina Chabon at Fortuna laban sa 31st-ranked na Whiston sisters.

Nasilat naman ng No. 30 pair nina Alexandra Austin at Lauren Greenlief ang No.3 seed na sina Xinying at Wang, 3 and 1.