KALIBO, Aklan - Isang mag-anak ang tinamaan ng kidlat sa Barangay Julita, Libacao, Aklan, at isa sa kanila ang namatay.

Ayon kay Merlinda Zonio, isa sa mga biktima, nag-aani siya at ang asawang si Junnif Zonio ng mani sa kabundukan ng Libacao, kasama ang dalawa nilang anak, nang tamaan sila ng kidlat.

Agad na namatay si Junnif habang nawalan naman ng malay si Merlinda at ang mga anak na isang 18-anyos at isang 10 taong gulang. (Jun N. Aguirre)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog