LIMPAK-LIMPAK ang napasakamay ni Tyler Perry nang ibenta niya ang kanyang mansiyon sa Atlanta sa halagang $17.5 million nitong Mayo.

Ibinahagi ng Teenage Mutant Ninja Turtles: Out of the Shadows star sa E! News kamakailan ang kanyang rason kung bakit niya ibinenta ang mansiyon. 

“I know this sounds ridiculous, but I wanted more land so I bought more land outside of the city,” aniya. “It’s the same distance to the studio as my old house, but now I can have horses and pigs and organic vegetables.” 

Ang kanyang mansiyon ay may lawak na 34,688 square feet. Ang French provincial style home na ito ay mayroong 7 kuwarto, 15 palikuran, 2 kusina, at 18-seat theater at malaking swimming pool na may waterfall.

Zeinab, mas iba ang ganda ngayon dahil may 'dilig' na tama

Kamakailan naman, tinanggap ng 45 taong gulang ang kanyang unang honorary degree mula sa Tuskegee University. 

“I’m Dr. Perry now,” pabirong sabi niya. “It was pretty exciting and also to have an opportunity to give a commencement speech to a bunch of kids who are going out to face the world. I wanted to leave them with something.”

(Yahoo News/Celebrity)