CABANATUAN CITY – Sa halip na protektahan ang binabantayan niyang establisimyento, mismong ang security guard ang nakuhanan ng CCTV camera habang nagnanakaw sa supermarket ng isang shopping mall sa Maharlika Highway, Barangay H. Concepcion sa siyudad na ito.

Kinilala ni Mark Anthony Quesada y Galleto, ng SM Personnel Security, ang suspek na si Jelly Marie Diamat y Buday, dalaga, security guard, at residente ng Genaro Street, Bgy. D.S. Garcia ng lungsod, na agad na dinala sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Joel Mendoza, dakong 9:19 ng gabi nitong Mayo 20 nang naaktuhan si Diamat sa CCTV surveillance camera habang kinukuha ang isang tube ng Dove shampoo, na nagkakahalaga ng P112, at isang tube ng Dove conditioner (P114) sa selling area ng supermarket.

Kasong qualified theft ang kinakaharap ngayon ng babaeng security guard. - Light A. Nolasco

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog