Isinailalim sa euthanasia ang 54-anyos na orangutan sa Brookfield Zoo, sa labas ng Chicago dahil sa lumalalang problema sa kalusugan, matapos siyang kilalanin bilang ikalawang pinakamatandang babaeng Bornean orangutan sa mundo.

Ayon sa pahayag ng zoo, ang orangutan na si Maggie, ay namatay noong Biyernes.

Si Maggie ay isinilang sa San Diego Zoo noong 1961 at nagsilang ng apat na anak bago naging surrogate mother sa dalawang batang orangutan.

Ang pinakamatandang babaeng orangutan ay isinilang noong 1955 at nananatiling buhay sa Tama Zoological Park sa Tokyo.

Eleksyon

'Bloodbath impeachment’ na bet ni VP Sara, pinalagan ni De Lima: 'Mindless arrogance!'