LIPA CITY, Batangas – Walo katao ang nasugatan matapos mabangga ng isang 8-wheeler truck ang isang pampasaherong jeep sa Lipa City, Batangas.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 8:30 ng gabi nitong Miyerkules, binabagtas ng pampasaherong jeep (RHL-792) ang national road ng Barangay Inosluban nang mabangga ng truck (DNH-792).

Nasugatan ang driver ng jeep na si Marlon Dawal gayundin ang driver ng truck na si Roberto De Torres, limang pasahero ng jeep at ang pahinante ng truck. Isinugod ang mga ito sa Metro Lipa Medical Center sa lungsod.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang dahilan ng aksidente. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog