NAGPADALA ng text message ang isa naming kababayan sa Visayas, namataan daw niya ang isang kilalang showbiz personality na bumabalimbing na naman at kitang-kita niyang nakikipag-usap sa mga taong nakapaligid ngayon kay President-elect Rodrigo Duterte.

“Usung-uso na naman ang balimbing. Talagang balimbing si _________, ‘pinagsisigawan niya noon na si Senator Grace Poe ang karapat-dapat na maging susunod na president pero ngayon, eh, nakikipagsiksikan siya sa kampo ni Mayor Duterte,” mensahe ng kaibigan namin.

Hindi na rin naman ikinagulat ng kaibigan namin ang pagiging balimbing ng showbiz personality dahil mula’t mula pa ay kilala na rin naman ito na mahilig talagang kumapit sa sinumang nakapuwesto.

Sa totoo lang, ang sinasabing showbiz personality ay may ambisyon din namang pasukin ang mundo ng pulitika.

Relasyon at Hiwalayan

Zephanie Dimaranan, may nilinaw sa naging relasyon nila ni Michael Sager

Katunayan, dalawang beses na rin namang itong tumakbo sa isang local position pero hindi sinuwerte. (jimi escala)