STO. TOMAS, Batangas - Kapwa bangkay na nang matagpuan ang dalawang hinihinalang magnanakaw sa Sto. Tomas, Batangas.

Kinilala ang mga bangkay na sina Jayson Arsolon, 21; at Jerome Sata, 19 anyos.

Ayon sa report ng grupo ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 7:00 ng umaga nitong Sabado nang iulat ng isang residente ang pagkakadiskubre sa mga bangkay sa Barangay San Roque.

Nabatid sa imbestigasyon na sangkot umano sa mga nakawan sa naturang barangay at mga karatig na bayan ang dalawa, at dati nang nakulong sa Calamba City Police si Sata dahil sa pagnanakaw. (Lyka Manalo)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar