Gina Alajar

Ni NORA CALDERON

FULL trailer pa lang ng Magkaibang Mundo na nagtatampok kina Louise delos Reyes at Juancho Trivino, kitang-kita na kung gaano kasama ang character ni Ms. Gina Alajar bilang greedy step-sister ni Gabby Eigenmann, ang ama ni Princess (Louise).

Hindi ba siya nanibago sa character niya?

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

“After kong tapusing idirek ang last few weeks ng The Half Sisters, nag-expect ako ng another directorial job,” kuwento ng mahusay na actress/director. “Pero nang tawagan ako ng GMA, ito nga ang ibinigay nila sa akin, mag-artista raw naman ako at nagustuhan ko naman ang story at ang character ko, kaya tinanggap ko. Pero iyon gusto nila baguhin ko ang character ko, ang hair ko, gusto nilang gawing puti, mala-Meryl Streep, siyempre paborito ko si Meryl kaya na-excite ako. Sana maging successful ako sa pag-create ko ng character ko.

”As doon sa lagi kong sinasaktan si Louise, alam kong kahit anong pigil ko, tatama at tatama sa kanya, kaya after the take, nilalapitan ko siya agad kung nasaktan ko ba siya pero lagi niyang sinasabi, hindi raw naman, okey lang dahil mas nakaka-react siya kapag napi-feel niya ang nangyayari sa kanya sa eksena.”

Hindi ba masakit sa dibdib ang ginagawa niya?

“Hindi naman, kasi alam ko kung bakit ako galit. Ako lang ang anak, kahit hindi tunay, legally adopted ako kaya ‘yong yaman ng parents ko alam kong sa akin mapupunta. ‘Tapos isinilang si Gabby, kapatid ko at siyempre, siya na ang magiging tagapagmana, kaya galit ako sa kanya, galit ako sa pamilya niya. Makikita ninyo kung gaano ako kasama rito”

First directorial job ito ni Mark dela Cruz at sa May 23, mapapanood ang Magkaibang Mundo pagkatapos ng Eat Bulaga.

Tinanong namin si Direk Gina kung pabor siya sa pagbabago ng working schedule ng mga artista at mga nagtatrabaho sa television networks.

“Yes, at natutuwa ako na payag naman ang mga television networks. Sa ngayon nga lamang inaayos pa ang mga dapat gawin. Three years na rin naming pinag-uusapan iyan nina Rez Cortez as President ng Actors Guild at ni Leo Martinez, head ng Film Acadmey of the Philippines. At maganda naman at naintindihan kami ng Department of Labor & Employment (DOLE). Ngayong Ssaturday, at 4:00 PM may assembly kami sa MOWELFUND at tiyak ang pagdalo ng mga taga-industriya at representatives ng DOLE. Pero nagsimula na rin ang mga TV networks na i-adopt ang 8 to 12 hours working schedules. Ako naman, may cut-off na rin ako hanggang 2:00 AM pero nakakauwi rin ako around 3:00 AM at okey na sa akin iyon. Darating din ang araw na lahat ng TV networks ay ia-adopt na ito.”